Pansamantalang nakararanas ng pagkaantala sa kanilang biyahe ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong hapon.
Ito’y matapos na itaas ng Manila International Airport Authority (MIAA) Ground Operations and Safety Division ang Red Lightning Alert sa NAIA Complex bandang alas-4:50 ng hapon.
Kasunod iyan ng nararanasang malakas na buhos ng ulan na sinamahan pa ng pagkulog at pagkidlat.
Ayon sa MIAA, layon nitong mapag-ingat ang mga tauhan sa paliparan at mga pasahero sa peligrong dulot ng masamang panahon.
Humingi naman ng paumanhin at pagunawa ang MIAA sa mga apektadong pasahero. | ulat ni Diane Lear