Ayon sa traffic update ng NLEX Corporation, may 600 metro na ang haba ng sasakyan ang nakapila sa Balintawak Toll Plaza.
Habang 300 metro naman ang haba ng mga sasakyan ang nakapila sa Karuhatan Toll Plaza.
Nararamdaman na ang mabagal na usad ng mga sasakyan pagkatapos ng
Balintawak Toll Plaza papuntang Mapulang Lupa Northbound, dahil kumakapal na ang volume ng mga sasakyan sa lugar.
May pagbagal din pagkatapos ng Mapulang lupa sa Valenzuela papuntang Meycauayan Northbound.
Gayundin, sa Duhat sa Bocaue papuntang Meycauayan Southbound.
Hindi rin ligtas sa pagbagal ng trapiko pagkatapos ng Balintawak Toll Plaza papuntang NLEX Harbor Link Interchange Northbound.
Binuksan na ang zipperlane sa Southbound direction.
Maging ang NLEX Harborlink Interchange papuntang Meycauayan Northbound, kabilang ang Lias Marilao papuntang Meycauayan Southbound ay may pagbagal na ang usad ng mga sasakyan.
Samantala, may kaluwagan pa ang daloy ng mga sasakyan sa bahagi ng RAMP papuntang SCTEX o Subic-Clark-Tarlac Expressway.| ulat ni Rey Ferrer