Halos dumoble ang halaga ng residential real estate housing unit sa bansa noong nakaraang taong 2023.
Ayon sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ito ay dahil tumaas ang presyo ng single-detached o attached houses.
Napag-alaman na base sa Residential Real Estate Price Index (RREPI) ng Central Bank, umakyat ng 6.5% ang presyo ng kada housing unit noong fourth quarter, 12.9 % noong third quarter, 14.1% noong second quarter at 10.2% naman noong unang quarter ng 2023.
Mas malaki ang itinaas ng presyo sa single-detached or attached houses kumpara sa townhouses, condominium units at duplexes.
Samantala, base sa report, umakyat din ang bilang ng mga Pilipino na naaprubahan ng lahat ng uri ng housing application ng 30.5% year-on-year na karamihan ay mga taga-National Capital Region.
Ayon sa Central Bank, ang datos ng RREPI ay mula sa universal, commercial, at thrift banks sa bansa na nagsusumite ng kanilang quarterly report sa BSP. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes