LTO, nakahanda na sa dagsa ng pag uwi ng mga pasahero mula sa mga lalawigan pagkatapos ng Semana Santa
Inatasan ni LTO Chief Vigor Mendoza II ang lahat ng regional directors at iba pang opisyal na manatiling alerto sa pagbalik ng mga bakasyunista sa Metro Manila mula sa lalawigan matapos ang Semana Santa.
Nais ni Mendoza na tiyaking ligtas ang biyahe ng publiko hanggang sa kanilang huling destinasyon sa pag-uwi.
Asahan na aniya ang pagbiyahe ng maraming pasahero ngayong araw ng Linggo hanggang bukas.
Mahigpit ang utos ni Mendoza na dapat tiyakin ang road worthiness ng mga pampasaherong bus bago pa umalis sa mga bus terminal sa lalawigan.
Inaasahan na rin ng LTO Chief ang heavy traffic build-up simula mamayang hapon sa mga pangunahing entry points ng Metro Manila at iba pang urban areas dahil sa dagsa ng mga pasahero.
Sa panig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pinapayagan pa rin ng MMDA ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA.
Ang mga provincial buses mula sa North Luzon ay hanggang sa terminal lang sa Cubao, Quezon City habang ang mga galing naman sa South Luzon ay hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at terminal sa Pasay City.| ulat ni Rey Ferrer