Asahan pa ang matinding init o alinsangan ng panahon ngayong araw ng Linggo, Easter Sunday Marso 31,2024.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA Weather Bureau, pinakamainit na panahon ay mararamdaman sa Dagupan City, Pangasinan at Catarman, Northern Samar na abot sa 43 degrees Celcius.
Mararanasan din ang heat index na 42 degrees Celcius o “init factor” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City sa National Capital Region; Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte; Appari, Cagayan; Puerto Princesa City, Palawan; Aborlan, Palawan; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; at Butuan City, Agusan del Norte.
Ayon sa PAGASA, mangyayari pa ang ganitong kainit na panahon sa maraming nabanggit na lugar bukas, Abril 1.
Kinokonsidera ng PAGASA ang heat index na mula 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius bilang “dangerous” level.
Sa ilalim ng dangerous level heat index, posibleng maranaaan ang heat cramps at heat exhaustion o di kaya ay heat stroke.
Payo pa ng PAGASA sa publiko para maiwasan ang heat-related illnesses, hanggat maaari ay limitahan ang oras sa outdoor activities, magdala ng pananggalang sa init at uminom ng maraming tubig.| ulat ni Rey Ferrer