Umakyat na sa dalawamput walo (28) ang kaso ng Pertussis na naitala sa lungsod Quezon, mula Enero 1 hanggang Marso 23, 2024.
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, nasa lima (5) na ang naiulat na nasawi, dalawa(2) mula sa District 1, tig-isa sa District 2, District 4 at District 5.
Dahil dito, muling nagpaalala ang QC CESU sa publiko na kaagad pumunta sa pinakamalapit na Health Center para magpakonsulta kung may nararamdamang sintomas ng nasabing sakit.
Una nang ideneklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ‘pertussis outbreak” matapos makapagtala ng 23 kaso sa lungsod.| ulat ni Rey Ferrer