Tatapusin na ngayong maghapon ang maintenance works sa buong linya ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) railway system.
Ito ang tiniyak ni Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino matapos magsagawa ng inspeksyon sa linya ng MRT3.
Bukas Abril 1, balik na sa normal ang operasyon ng buong linya ng tren.
Sabi pa ni Aquino, tuwing Holy Week, isinasagawa ang maintenance activities sa railway system.
Layon nito para mapanatili ang maayos na kondisyon ng mga tren, tracks, signaling, power supply, at mga pasilidad.
Kasabay ng maintenance activities,hinasa din ang kahandaan ng mga kawani ng MRT-3 sa pagresponde sa bomb threats
Isinailalim ang mga ito sa tabletop training upang ma-update ang kanilang kaalaman hinggil sa bomb threat protocols.| ulat ni Rey Ferrer