Hinimok ni Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipino na tulungan ang bawat isa, lalo na ang nangangailangan at patuloy na magkaisa para sa masaganang hinaharap ng Pilipinas
Ito ang mensahe ng House leader kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.
Aniya ang araw na ito ay panahon para tulungan ang kapwa lalo na ang mga nangangailangan at magpaabot ng pakiki simpatya at kabutihan sa bawat isa.
Nanawagan din ito sa lahat na ingatan at isulong ang hustisya, pagkakapantay-pantay at progreso.
Bilang mga serbisyo publiko, paalala ng House Speaker na interes ng mga Pilipino ang dapat unahin, kasabay ng pagtiyak sa isang transparent at accountable na pamumuno.
Para kay Romualdez, tulad ng muling pagkabuhay ni Hesus, ay magagawa rin ng bawat isa na makabangon mula sa ano mang pagsubok.
“In the midst of the challenges we face as a nation, this joyous occasion brings us a message of resilience and the promise of a brighter future. Just as Jesus Christ triumphed over darkness and emerged victorious, let us draw inspiration from His example and rise above the trials that confront us. On this meaningful celebration, may we find solace in the promise of hope and renewal. May we draw strength from the spirit of sacrifice and selflessness exemplified by Jesus Christ. Let us be inspired to become agents of positive change, spreading love, compassion, and understanding in our communities,” ani Romualdez.| ulat ni Kathleen Forbes