Bumuo ng tatlong team si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. para sa feasibility studies ng priority infrastructure projects ng Department of Agriculture na magpapalakas sa produksyon ng pagkain, partikular na ng palay at mais.
Itinalaga ng kalihim si Undersecretary for Special Concerns and for Official Development Assistance Jerome Oliveros bilang chairperson sa lahat ng tatlong project-preparation teams.
Sila ang gagawa ng framework at mga plano para sa proposed post-harvest program para sa bigas at mais, ang solar-powered cold storages at ang proposed solar-powered irrigation system.
Si Undersecretary for Operations Roger Navarro ang magiging co-chairman ni Oliveros para sa team na maghahanda ng feasibility study sa post-harvest program para sa palay at mais.
Habang si Undersecretary for High Value Crops Cheryl Marie Natividad-Caballero ang magiging Co-Chairperson ng team in-charge ng proposed solar-powered irrigation system project.
Si DA Spokesman at Assistant Secretary Arnel de Mesa ang magiging vice chairman ng team na maghahanda ng solar-powered cold storage project.
Sa unang bahagi ng taon, kailangang ang P93-B pondo para magtayo ng mga post-harvest facility para sa bigas at mais habang Php1 bilyon naman para cold storage facilities para sa mga gulay.| ulat ni Rey Ferrer