Binuweltahan ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong si dating Speaker Pantaleon Alvarez matapos nitong himukin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumaba na sa pwesto para mapahupa ang tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Adiong, malinaw na hindi naiintindihan ni Alvarez ang national strategy ng administrasyon at mas nakatuon sa pamomolitika.
Ang panawagan din aniya ni Alvarez na pagbibitiw ng presidente ay nagpapakita na mas kampi ito sa China.
“It’s transparent that Representative Alvarez is less concerned about national strategy and more focused on political maneuvering. His call for President Marcos Jr. to resign reflects only his Pro-China stance and not any true concern for the plight of fellow Filipinos,” saad ni Adiong.
Sabi pa ng Mindanao solon, hindi totoo ang pagmamalasakit ni Alvarez para sa bansa at binabalewala ang democratic process at mandatong ibinigay ng taumbayan sa Pangulo.
“We must question the motives behind such statements and recognize them for what they are: political strategies, not genuine concern for national welfare. Our nation’s leadership and policy decisions should be guided by the best interests of the Philippines, not by the political ambitions of a few,” giit pa nito.
Pinayuhan naman ni House Assistant Majority Leader Jefferson Khonghun ang mga kaalyado ng bise presidente na maghinay-hinay sa mga binibitiwang pahayag dahil lumalabas na tila minamadali nila ang pag-akyat nito sa Malacanang.
“It’s becoming increasingly clear that supporters of the previous administration, like (Davao del Norte) Rep. (Pantaleon) Alvarez, are impatient and unwilling to wait for the (May) 2028 presidential elections,” ani Khonghun.
Pinag-iingat at pinagbabantay rin ng mambabatas ang publiko dahil ang mga ganitong panawagan ay maaaring bahagi at umpisa pa lang aniya ng mas malaking pamomolitika sa kasalukuyang administrasyon.
“One must consider the possibility that such calls for President Marcos Jr. to resign are part of a broader destabilization effort, aiming to unsettle the current administration and expedite a political transition that aligns with their interests. We must remain vigilant and discerning, recognizing these maneuvers for what they potentially are: a calculated attempt to undermine our democracy and manipulate the presidential succession for their gain,” sabi pa niya
Para naman kay Deputy Majority Leader Jude Acidre, wala sa lugar ang panawagan ni Alvarez. Ang panawagan aniya na pagibibitiw sa pwesto ay kawalan ng tiwala sa pinuno ng bansa.
“Former Speaker (Pantaleon) Alvarez’s remarks are not only defeatist but dangerously naive. To suggest that President Marcos Jr. should resign in the face of aggression is to misunderstand the very essence of leadership and national sovereignty,” sabi ni Acidre.| ulat ni Kathleen Forbes