Tinatayang aabot na sa bilang na higit sa 1.1 milyong pasahero ang naitatala sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) magmula nang mag-monitor ito noong ika-22 ng Marso ng mga biyahero ngayong Semana Santa.
Sa bilang na ito, pinakamarami pa rin ang dumaan sa terminal noong Miyerkoles Santo kung saan naitala ang bilang na 191,179 na pasahero sa PITX.
Kahapon, Marso 30, Sabado de Gloria, naitala sa 107,719 ang pasahero sa buong magdamag sa terminal.
Habang sa huling tala naman ngayong araw, as of 1:00 ng hapon nasa 49,151 pa lamang ang foot traffic sa PITX sa kabila ito ng huling araw ng Semana Santa at balik trabaho at eskwela na ang karamihan sa ating mga kababayan bukas.
Nauna namang sinabi ng pamunuan ng PITX na handa ito na serbisyuhan ang may 1.7 milyong pasahero na inaasahang dadagsa sa terminal na uuwi sa mga lalawigan at vice versa sa panahon ng Semana Santa.| ulat ni EJ Lazaro