May limamput isang (51) pamilya mula sa katutubong Mandaya ang pinagkalooban ng pabahay ng National Housing Authority (NHA).
Ayon sa NHA, ang mga benepisyaryo ay mula sa Barangay Pintatagan, Banaybanay, Davao Oriental.
Pinangunahan ni NHA Region XI Manager Clemente Dayot, at Banaybanay Mayor Lemuel Ian Larcia, ang paggawad ng housing units sa Balai Nang Mandaya.
Ang proyekto ay ipinatutupad ng NHA sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (HAPIP), alinsunod sa Republic Act No. 8731 o ang Indigenous Peoples Right Act of 1997.
Sa tulong ng National Commission for Indigenous Peoples at mga lokal na pamahalaan, ipinatutupad ng NHA ang HAPIP sa lupaing pagmamay-ari ng mga IP o mga nasasakupan ng lokal na pamahalaan na aprobado ng mga katutubong pangkat.| ulat ni Rey Ferrer