Nananatiling matumal ang dating ng mga bus sa BFCT Marikina City ngayong unang araw ng trabaho matapos ang Holy Week Break.
Ayon sa ilang mga Bus Operator dito ay dahil sa Cubao o sa PITX na nagbababa ng pasahero ang kanilang mga bus bago naman gumarahe rito.
Gayunman, mula pa kaninang madaling araw ay nangilan-ngilang bus na rin ang dumating dito para magbaba ng pasahero lalo na iyong mga nagmula pa sa Ilo-ilo, Aklan at Mindoro.
Karamihan sa mga bumababa rito ay iyong mga nakatira sa malalapit lamang sa BFCT gaya ng Rizal, Marikina, Quezon City at Pasig.
Sa kabila ng pagdating ng mga pasahero mula sa mga lalawigan, tuloy-tuloy naman ang biyahe ng ilang mga Bus dito palabas ng Metro Manila. | ulat ni Jaymark Dagala