Kasabay ng inaasahang pagbuti ng GDP growth ay tinataya naman ang pagbaba ng poverty rate sa Pilipinas.
Sa inilabas na World Bank Macro Poverty Outlook para sa Pilipinas, sa kabila ng mga banta ng climate change na siyang makakaapekto sa paglago, bababa ang purchasing power parity sa 12.2% ngayong taon at 9.3% naman sa taong 2026.
Gamit ng WB ang $3.65 dollars per day threshold para sa middle income countries at inaasahan na mas maraming Pilipino ang aahon sa kahirapan sa mga sususnod na taon.
Ito ay dahil sa medium term outlook kung saan pinalakas ng private consumption activities, healthy labor market at matatag na remittance inflows.
Ayon pa sa World Bank. kahit na nakararanas ng paghihirap, dahil marami sa mga Pilipino ang may trabaho ay naagpasan nito ang epekto ng mataas na inflation noong nakaraang taon.
Samanatala, naniniwala ang multilateral organization na nananatiling banta sa growth outlook ang mataas na inflation na siyang magpapabagal ng domestic economic activity at mataas na policy rate at magpapahina ng purchasing power. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes