Tiwala si House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na magdadala ng pag-unlad sa bansa ang pag-amyenda sa mahigpit na probisyon ng 1987 Constitution at magbubukas ng oportunidad para sa foreign investment.
Ito ang sagot ni Garin nang tanungin ang kaniyang pananaw sa inilabas na international report kaugnay sa mga balakid sa pagdagsa ng trade at investment sa bansa.
Ayon sa US Trade Representative report, isa ang isyu ng foreign ownership limitations sa hadlang ng pagpasok ng kalakal at pamumuhunan sa bansa habang base naman sa Milken Institute’s Global Opportunity Index (GOI) report “less attractive” ang Pilipinas sa mga mamumuhunan dahil sa mahinang ‘business perception’ at ‘financial access’.
Binigyang diin ng lady solon na hangarin ng Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7) na inaprubahan ng Kamara na gawing mas “investment-friendly” ang Pilipinas.
Aniya, ang inilabas na pagtaya ng ilang dayuhan institusyon sa lagay ng ekonomiya ng bansa ay patunay na “timely” at on-track sa hangarin ng Kamara na amyendahan ang economic provision ng kons | ulat ni Melany Valdoz-Reyes