Pinaalalahanan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang mamamayan na ‘wag magpadala sa propaganda ng China.
Sa isang liham, sinabi ng Kalihim na mahalagang tukuyin ang pananagutan ng kung sinuman ang nasa likod ng umano’y “gentlemen’s agreement” sa pagitan ng Pilipinas at China tungkol sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Pero hindi aniya dapat malihis ang atensyon ng publiko sa katotohanan na ang pangunahing banta sa karapatan ng mga Pilipino sa West Philippine Sea ay ang mga iligal na aksyon ng pamahalaan ng China.
Binigyang diin ng Kalihim na hindi dapat mahulog sa bitag ng Chinese propaganda ang mga Pilipino na layong ilihis ang atensyon mula sa pamahalaan ng China patungo sa debate tungkol sa sinasabing “gentlemen’s agreement”.
Babala ng Kalihim, habang pinagdedebatihan ang sinasabing “pangako” ay malaya ang China na ituloy ang kanilang mga iligal na aktibidad sa West Philippine Sea. | ulat ni Leo Sarne