Binigyang diin ngayon ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro ang kagyat na pangangailangan para sa dagdag na silid-aralan bunsod ng matinding heat index na hinaharap ngayon ng mga mag-aaral at guro.
Dahil aniya sa napakataas na temperatura na iniinda ng mga estudyante at guro ay naaapektuhan ang kalidad ng kanilang pagkatuto.
Kaya naman nanawagan ang mambabatas na agad mapagtuunan ng pansin ang pagtatayo ng dagdag na mga classroom at pagtiyak sa maayos na ventilation system sa mga paaralan.
“The current heat index experienced by our students and teachers should serve as a wake-up call to prioritize the construction of additional classrooms and the improvement of ventilation systems in our schools. It is unjust for our learners and educators to suffer in unbearable conditions that directly affect their health, well-being, and academic performance,” sabi ni Castro.
Hirit ng mambabatas sa DepEd na maglaan ng sapat na pondo para sa classroom construction alinsunod sa rekomendasyon ng United Nations na dapat ay katumbas ng 6% ng GDP ng bansa.
Apela din nito sa DepEd na palagiang magsagawa ng inspeksyon at maintenance sa mga kasalukuyan nitong pasilidad para masiguro ang isang conducive learning environment para sa lahat. | ulat ni Kathleen Jean Forbes