Nag-usap si National Security Adviser Secretary Eduardo Año at US National Security Adviser Jake Sullivan, kahapon.
Dito ay tinalakay ng dalawang opisyal ang mga huling insidente ng ilegal, mapanghamon, agresibo at mapanlinlang na aksyon ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Nagpasalamat si Sec. Año sa patuloy na pagbibigay ng katiyakan ng Estados Unidos sa kanilang commitment sa alyansa ng Pilipinas at US.
Kapwa namang inihayag ng dalawang opisyal na malugod nilang inaasahan ang nakatakdang kauna-unahang Japan-Philippines-US Summit sa Washington D.C. sa susunod na Linggo. | ulat ni Leo Sarne