Nag-anunsiyo kagabi ng suspensiyon ng face to face classes sa mga pampublikong paaralan bunsod ng nararanasang init ng panahon ang apat na lokal na pamahalaan dito sa Cebu.
Unang nag-anunsiyo ng suspensiyon ng pasok ang bayan ng Minglanilla sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ayon kay Mayor Rajiv Enad simula ngayong araw, ika-3 ng Abril ipapatupad ang modular classes at babalik lamang sa physical classes kapag nakita na ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd) na ligtas nang magsagawa nito.
Kaparehas din ng ipinatupad na measure ang sa bayan ng Cordova.
Sa lungsod ng Talisay at Lapu-Lapu, mga pampublikong paaralan ang inatasan na magsagawa muna ng blended learning habang ibinigay sa mga school heads sa private schools ang pagdesisyon na suspendehen din ang pasok nila.
Hanggang sa ika-14 ng Abril ang pagpapatupad ng blended learning sa lungsod ng Talisay habang sa ika-12 ng Abril naman ang sa Lapu-Lapu.
Kasalukuyang nararanasan ngayon ang 37 degrees Celsius na Heat Index sa Cebu o nasa kategorya na ng Extreme Caution ayon sa Pagasa. | ulat ni Carmel Matus-Pedroza | RP1 Cebu