Kanselado na ngayong araw ang face to face classes sa public at private school sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano ito ay dahil sa forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na posibleng umabot sa 43 degrees Celsius sa Pasay ang heat index ngayong araw ng Miyerkules.
Bago ang kanselasyon inirekomenda sa alkalde ng Pasay City Disaster Risks Reduction Management Office (PCDRRMO) ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng paaralan matapos na maitala kahapon ng PAGASA na umabot sa 42 degrees celsius ang heat index sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay.
Dahil dito agad na nilagdaan ng alkalde ang Executive Order ICR No. 42 upang hikayatin ang lahat public at private school na mag shift muna ngayong araw sa online , modular learning upang hindi malagay sa panganib ang mga estudyante at mga guro dahil sa tindi ng nararanasang init ng panahon dulot ng El Niño. | ulat ni Lorenz Tanjoco