Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Abril ang pilot implementation ng Integrated Electronic Case Management System (IECMS)
Ito ay magsisilbing centralized client data registry system at case management system ng ahensya na layong padaliin ang case management sa pagitan ng case managers at social workers.
Bahagi rin ito ng digitalization initiative ng ahensya alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“The IECMS will streamline and strategically interconnect the case management processes of the DSWD with local government units (LGUs) and other government agencies,” DSWD Assistant Secretary Irene B. Dumlao.
Ayon sa DSWD, isasama sa IECMS pilot implementation ang lahat ng Center and Residential Care Facilities (CRCFs) at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa National Capital Region (NCR).
Sa ilalim ng pilot implementation phase, tutukuyin ng DSWD ang mga lugar para sa fine tuning ng case management software bago ang full-scale implementation nito.
“Through this digitalization initiative, the DSWD is positive that the provision of assistance to beneficiaries from their enrollment to assessment, to intervention and/or referral, and case closure will be done in a more efficient and timely manner,” Asec. Dumlao. | ulat ni Merry Ann Bastasa