Papalo sa tumataginting na 336.38 billion pesos ang target na kitain ng Philippine Amusement Gaming Corporation o PAGCOR para sa taong 2024.
Ito ang pinirmahan nina PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco at ni governance commission for GOCC Chairperson Atty. Marius Corpus na magsisilbing scorecard ng state gaming firm para ngayong taon.
Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 17.11% kumpara sa target ng pagcor noong nakaraang taon na 285.7 billion pesos.
Kabilang din sa 2024 scorecard ng PAGCOR ang 100% payment ng mandatory contribbutions sa mga recipients agencies, pagkuha ng 5.266 billion peso net income at 98% collection efficiency pagdating sa license at regulatory fees mula sa mga regulated gaming entities. | ulat ni Lorenz Tanjoco