May chansa na magtuloytuloy ang kanselasyon ng F2F classes sa lungsod ng Pasay. Batay kasi sa kautusan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, dapat tutukan ng PCDRRMO ang forecast ng PAGASA.
Ito ang gagawing batayan ng pamahalaang lungsod kung kung nararapat ba na i-extend pa ng isang araw ng suspension ng face to face classes.
Kasabay nito ay pinayuham din ng alkalde ang publiko na iwasan muna ang outdoor activities at palaging uminom ng tubig upang maiwasan ang heatstroke.
Matatandaang kaninang umaga ay kinansela na ng Pasay LGU ang mga face 2 face classes sa lahat ng paaralan sa lungsod mapa pribado o pampubliko dahil parin sa nararanasang init sa lungsod. | ulat ni Lorenz Tanjoco