Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang pagbubukas ng “Summer Fun Games” ng Philippine Army Civilian Human Resource (CivHR) sa Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.
Dito’y nagpaligsahan sa iba’t ibang laro ang mga sibilyang empleyado ng Philippine Army na nagsilbing pisikal na ehersisyo sa pamamagitan ng masayang aktibidad.
Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Lt. Gen. Galido ang mga kalahok ng kahalagahan ng pangangalaga sa kanilang kalusugan.
Matatandaang isa sa mga prayoridad ni Lt. Gen. Galido ang pag-promote ng “healthy lifestyle” sa mga tauhan ng Philippine Army.
Bingyang diin ng Heneral na mahalaga para sa lahat ng tauhan ng Hukbong Katihan na palaging panatiliin ang isang “healthy work environment”. | ulat ni Leo Sarne
📷: SSg Cesar Lopez PA and Mr. Joshua Pedregosa/OACPA