Pinagsusumite ng status report ng National Electrification Administration – Disaster Risk Reduction and Management Department ang mga electric cooperative na naapektuhan ng magnitude 7.5 na lindol sa Taiwan kaninang umaga.
Binigyan ang mga EC ng hanggang alas-3 ng hapon para isumite ang kanilang power situation reports sa NEA- DRRMD.
Pagkatapos ng malakas na lindol, inatasan ang mga EC na magpatupad ng contingency measures upang maibsan ang epekto ng potensyal na banta na makakaapekto sa power distribution service sa mga consumer.
Pinayuhan din ang mga ito na buhayin ang kanilang emergency response kung kinakailangan.
Dahil sa mga inaasahan pang aftershocks, dapat umanong manatiling nakaalerto ang electric cooperatives sa mga service areas nito.
Para sa mga lugar na hindi naman naapektuhan ng seismic hazards, inatasan ang mga EC na ibalik na ang serbisyo ng kuryente.
Matapos tumama ang malakas na lindol sa katabing bansa, agad ding naglabas ng tsunami warning ang PHIVOLCS sa ilang coastal areas sa Luzon. | ulat ni Rey Ferrer