Kamara, tutulong sa expressways sa pagpapatupad ng mga solusyon upang hindi na maulit ang traffic fiasco noong Holy Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapulong na ng Kamara ang pinuno ng North at South Luzon Expressway pati ang Toll Regulatory Board upang mabigyang linaw ang nangyaring traffic fiasco noong Holy Wednesday sa NLEX.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, inamin ng NLEX na hindi kinaya ng kanilang toll booth ang bugso ng mga motoristang dumaan.

Bumuhos kasi ang mga sasakyang dumaan noong araw na iyon sa NLEX ng hanggang 87,000 gayong nasa 30,000 hanggang 40,000 lang ang kanilang kapasidad.

Maliban dito, mayroon tig-5,000 sasakyan na kulang o walang load ang RFID o kaya naman ay palyado na ang RFID sticker na nakadagdag sa bigat ng daloy ng trapiko.

Kaya naman magandang oportunidad ang ipinatawag na pulong dahil mayroon naman na pa lang mga ikinakasang plano at solusyon ang NLEX, SLEX at TRB para dito.

Kabilang sa mga solusyon ang barrierless toll o yung Multi-Lane Fast Flow (MLFF) at pagkakaroon ng elevated road sa Balintawak hanggang Bocaue.

Kasama rin sa solusyon ang pagbibigay kapangyarihan sa NLEX at SLEX ang mag-isyung ticket violation sa mga motorista na dadaan ng expressway na walang load ang RFID.

Pangako naman ni Tulfo na ilalapit din ng Kamara ang naturang mga solusyon sa DPWH at sa Department of Transportation upang agad maaksyunan at maipatupad.

Sabi pa ni Tulfo na kaisa ang Kamara sa hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masolusyunan ang isyu ng trapiko sa bansa at kasama dito ang pag-tugon sa problema sa mga expressway. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us