Maghahatid ng libreng roaming data services ang kumpanyang Globe at Smart telecommunications sa Taiwan para sa mga Overseas Filipino Workers na nais kausapin ang kanilang kaanak sa Pilipinas.
Ito’y matapos yanigin ng magnitude 7.4 magnitude na lindol ang nasabing bansa.
Ayon sa dalawang telco companies, magbibigay sila ng libreng 15 minutes call mula sa Pilipinas kasama ang 15 unlimited text sa lahat ng network sa loob ng pitong araw upang makausap ng mga kababayang nasa Taiwan ang kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.
Sa huli muling siniguro ng dalawang telco companies ang maayos at kalidad na signal upang mas maging mas malinaw na makausap ng mga OFW sa Taiwan ang kanilang pamilya sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio