Walang plano si Senador Raffy Tulfo na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 National Elections.
Ito ang ibinahagi ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo matapos lumabas ang survey ng Pulse Asia kung saan “statistically tied” sa pagka-pangulo sina Senador Tulfo at Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Rep. Tulfo, malaking sakit sa ulo lamang umano ang pagtakbo bilang presidente sa 2028.
Muli rin iginiit ng kongresista na wala rin siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon.
Ito ay kahit pa nanguna rin siya sa senatorial race survey ng Pulse Asia.
Aniya, tututok na lang siya sa kaniyang trabaho sa kamara lalo at parehas lang naman ito ng ginagawa sa Senado. | ulat ni Kathleen Jean Forbes