Muli pang nadagdagan ang bilang ng mga mamamayang apektado ng El Niño Phenomenon sa bansa.
Ayon sa DSWD, umakyat pa sa higit sa 100,000 na pamilya o katumbas ng higit kalahating milyon na indibidwal na apektado ng El Niño.
Kabilang sa pinaka-apektado ang Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at BARMM.
Kasunod nito, ang patuloy pagpapaabot din ng DSWD ng tulong sa mga rehiyong apektado ng tagtuyot.
As of Apr 4, sumampa na rin sa P8.8-M halaga ng humanitarian assistance ang naihatid nito.
Nananatili ring available ang higit dalawang bilyong pondo ng ahensya para umagapay sakaling madagdagan ang apektado ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa