Bahagi ng Balikatan Exercise 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagsasanay sa pagtatanggol sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Ayon kay Balikatan Exercises 2024 executive agent, Col. Michael Logico, ito ang dahilan kung bakit ang bahagi ng pagsasanay militar ay isasagawa sa labas ng 12-mile territorial limit hanggang sa dulo ng 200-mile Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Paliwanag ni Logico, ang pagsasanay para ipagtanggol ang maritime interests ng bansa sa lahat ng karagatang sakop ng hurisdiksyon ng Pilipinas ay bahagi ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept na sinusulong ng Department of National Defense.
Sa pagsasanay ngayong taon, makakasama ng Pilipinas at Estados Unidos ang Australian Defense Force at French Navy, na nagpadala ng isang Frigate.
Bukod dito, magpapadala din aniya ng observers ang Japan, South Korea, India, Canada, the United Kingdom, Thailand, Singapore, Vietnam, Indonesia, Brunei, Malaysia, Germany at New Zealand. | ulat ni Leo Sarne