Iminungkahi ni Valenzuela Rep. Eric Martinez na magkaroon din ang pamahalaan ng komprehensibong protocol sa panahon ng tag-init.
Aniya, kung may sinusunod na panuntunan sa panahon ng tag-ulan ay dapat mayroon din sa panahon ng tag-init dala na rin ng climate change.
“This is the new normal with global warming, and PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) also has to adapt to this new normal. Kung may protocol sa tag-ulan, dapat may protocal na rin sa tag-init,” sabi ni Martinez.
Kaya naman hirit ng mambabatas na hayaan na ang PAGASA na manguna sa weather-related decision-making processes.
May sapat aniyang expertise at datos ang PAGASA kaysa sa mga lokal na pamahalaan pagdating sa pagpapatupad ng mga polisiya kaugnay sa pagtugon sa matinding init.
“Sila (PAGASA) talaga yung dapat pakinggan ng lahat, hindi si mayor na lang ang magsabi, ‘mainit, sige cancelled ang klase,” sabi pa ni Martinez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes