Pinangunahan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. ang pagpapanumpa sa mga bagong promote at bagong hire na empleyado nito.
Ayon kay Catapang, ang pag-hire at pag-promote sa qualified officers ng BuCor ay nagreresulta sa mas organisado at naaksyunan ang mga organizational problems sa kanilang opisina.
Hinimok ng heneral ang kaniyang mga tauhan na magtrabahong mabuti at gumawa ng reputasyon na maaasahan at mapagkakatiwalaan.
Dagdag pa ni Catapang na hindi ito ang huling beses na may mapro-promote sa kanilang hanay at handa rin aniya silang tumanggap pa ng mga bagong aplikante.
Paalala nito sa kaniyang mga tauhan na kailangan nilang magtrabaho ng mas mabilis kumpara sa proseso ng gobyerno para may matapos sa kanilang mga trabaho. | ulat ni Lorenz Tanjoco