Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang anumang bansa ang pinatutungkulan ang magaganap na trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos, at Japan sa susunod na linggo (April 11-12).
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DFA Usec. Hans Siriban na ang pulong na ito ay nakatuon sa pagpapalalim ng alyansa ng mga bansang ito.
Partikular aniyang tatalakayin ang linya ng economic cooperation, critical infrastructure, climate change, enerhiya, at iba pang balikatan.
“We also have to take into account the peace and security of the region in this aspect, the trilat[eral] cooperation also hopes to enhance cooperation in this respect.” — Usec Siriban.
Ang importante naman aniya sa usaping ito ay bukas ang linya ng komunikasyon ng Pilipinas para sa ibang bansa, at ang pulong na ito kasama ang US at Japan ay isang halimbawa.
“I think for us the important thing is our lines of communication, our lines of dialogue and consultations have always been open. this applies to all the countries in the region. In fact, we have continuing dialogues with our neighbors. This trilat[eral] summit is one of those dialogues and consultations that we have.” — Usec Siriban. | ulat ni Racquel Bayan