Hinimok ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ngayon si Speaker Martin Romualdez na huwag nang pagtuunan ng pansin ang isinusulong na political amendment proposals ni presidential adviser on poverty alleviation Larry Gadon.
“I urge Speaker Romualdez to completely disregard Gadon’s letter (proposing political amendments),” sabi ni Rodriguez.
Para sa House Committee on constitutional amendments chair tiyak na itatapon lang ng House leader ang naturang proposal lalo at makailang ulit nang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tanging amyenda lang sa ekonomiya ang isinusulong ng pamahalaan.
Bagay na dapat ay sundin mismo ni Gadon.
Bilang co-author ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na bersyon ng economic cha-cha, hindi raw susuportahan ni Rodriguez ang anumang political amendment.
“As a co-author of RBH 7, I will never support political amendments,” diin ni Rodriguez.
Sabi pa ng CDO solon anumang usaping politika gaya ng suhestyon ni Gadon ay nagdudulot lamang ng kalituhan sa publiko, gaya na lang ng nangyari Pulse Asia Survey.| ulat ni Kathleen Forbes