Opisyal nang sumali ang Brunei Darussalam Central Bank (BDCB) at ang Bank of the Lao PDR (BOL) sa Regional Payment Connectivity (RPC) Initiative na layuning mapabuti ang mga transaksyon sa pagitan ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
Naunang lumahok noong Pebrero ang BDCB sa MOU sa RPC noong Pebrero na sinundan naman ng BOL nito lamang Abril sa ginanap na ASEAN Finance Ministers’ and Central Bank Governor’s Meeting sa Luang Prabang, Laos.
Sa pagpasok ng dalawang central banks, sa kasalukuyan ay binubuo na ng walong ASEAN central banks ang RPC group.
Inaasahan naman na sa pamamagitan ng RPC ay mapapadali ang access ng mga small and medium enterprises sa international market, mapapagaan ang kalakalan, at mapapadali ang proseso ng mga remittances ng mga manggagawa sa rehiyon.
Binigyang diin ni Hajah Rokiah binti Haji Badar, ang Managing Director ng BDCB, ang mga benepisyo ng mga kooperasyon sa ilalim ng RPC MOU, na naglalayong patatagin ang regional economic activities.
Habang ibinahagi naman ni Bounleua Xinxayvoravong, Governor ng BOL, ang kahalagahan ng MOU RPC sa pagpapalakas ng kooperasyon sa ASEAN region at suporta sa pagpapalawak ng ekonomiya.
Opisyal nang sumali ang Brunei Darussalam Central Bank (BDCB) at ang Bank of the Lao PDR (BOL) sa Regional Payment Connectivity (RPC) Initiative na layuning mapabuti ang mga transaksyon sa pagitan ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
Naunang lumahok noong Pebrero ang BDCB sa MOU sa RPC noong Pebrero na sinundan naman ng BOL nito lamang Abril sa ginanap na ASEAN Finance Ministers’ and Central Bank Governor’s Meeting sa Luang Prabang, Laos.
Sa pagpasok ng dalawang central banks, sa kasalukuyan ay binubuo na ng walong ASEAN central banks ang RPC group.
Inaasahan naman na sa pamamagitan ng RPC ay mapapadali ang access ng mga small and medium enterprises sa international market, mapapagaan ang kalakalan, at mapapadali ang proseso ng mga remittances ng mga manggagawa sa rehiyon.
Binigyang diin ni Hajah Rokiah binti Haji Badar, ang Managing Director ng BDCB, ang mga benepisyo ng mga kooperasyon sa ilalim ng RPC MOU, na naglalayong patatagin ang regional economic activities.
Habang ibinahagi naman ni Bounleua Xinxayvoravong, Governor ng BOL, ang kahalagahan ng MOU RPC sa pagpapalakas ng kooperasyon sa ASEAN region at suporta sa pagpapalawak ng ekonomiya.| ulat ni EJ Lazaro