Limang sangay ng SSS, nahigitan ang coverage target para sa buwan ng Pebrero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nalampasan na naman ng limang nangungunang sangay ng Social Security System (SSS) ang kanilang coverage target para sa buwan ng Pebrero 2024.

Nangunguna dito ang SSS Calbayog Branch, na nahigitan ang kanilang target ng 777%. Sinundan ng SSS Kabankalan, SSS Bogo, SSS Valencia, at SSS Toledo.

Sa kabuuan, sinabi ni SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet na nakamit ng mga sangay na ito ang 574% ng target noong Pebrero 2024, na nagtala ng 4.77% ng mga bagong miyembro, na may kabuuang 206,490 na registrations.

Binigyang diin ni Macasaet ang kahalagahan ng pagpapalawak ng membership para matupad ang misyon ng SSS na universal social protection.

Pinuri ng SSS Management ang top 5 SSS branches sa kanilang dedikasyon sa pag-abot sa mga self-employed at impormal na sektor.

Ang intensive coverage drive na ito ay naaayon sa layunin ng institusyon na mapalawak ang membership coverage, lalo na sa mga self-employed at impormal na sektor.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us