Nagtalaga pa ng bagong opisyal sa Department of Agriculture si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Itinalaga ni Laurel si Carlos Carag, bilang officer-in-charge ng office of the assistant secretary for DA Inspectorate and Enforcement. Nagtapos siya ng Valley Forge Military Academy sa Estados Unidos.
Bahagi ng kanyang tungkulin ang pagpapatupad ng intelligence operations, pag asiste sa law enforcement at prosecution ng mga kaso.
Gayundin magbigay ng inputs para mapahusay ang mga umiiral na regulasyon, pamantayan at pamamaraan pati na ang pag-monitor sa locally-produced at imported commodities.
Pangungunahan din ni Carag ang koordinasyon ng DA sa Bureau of Customs (BoC) at kakatawanin ang ahensya sa mga inter-agency panel na naatasang harapin ang smuggling ng agricultural products.
Tiniyak naman ng kalihim ang suporta ng mga opisyal at kawani sa bagong opisyal partikupar na ang laban sa agricultural smuggling na nakaapekto na sa mga magsasaka at mangingisda.| ulat ni Rey Ferrer