Simula bukas, Abril 8 hanggang 12, 2024, ipapatupad na sa Caloocan City ang “adjustment schedule” para sa mga mag-aaral sa Kinder hanggang Senior High School.
Ayon sa Caloocan Public Information Office, ang pagbabago ng schedule sa pasok ng klase ay bunga ng pakikipag-ugnayan sa Caloocan Schools Division Office.
Makakatulong umano ito upang mabawasan ang masasamang epekto ng mainit na panahon sa mga estudyante.
Para sa “morning classes,” ang pasok mula Lunes at Martes, ay face-to-face classes mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 11:30 ng umaga. Sa araw ng Miyerkules at Huwebes, ipapatupad naman ang Asynchronous classes.
Pagsapit ng araw ng Biyernes, babalik muli sa face-to-face classes ang mga mag aaral mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga.
Samantala sa “afternoon classes”ipapatupad ang asynchronous classes mula lunes hanggang martes.
Magiging ala 6:00 hanggang alas 11:30 na ng umaga tuwing Miyerkules at Huwebes ang face-to-face classes ng mga panghapong mag-aaral at alas 9:00 na hanggang alas 12 ng tanghali naman pag Biyernes.
Para naman sa mga pampribadong paaralan, nakadepende na sa kanilang pamunuan ang pagsuspinde ng klase o pagpapatupad ng alternative modes of learning sa kani-kanilang mga eskwelahan.| ulat ni Rey Ferrer