Walang biyahe sa Abril 9 at 10 ang Pasig Ferry Service matapos ideklara ng Malacañang ang mga petsa bilang regular holiday.
Ang ferry service ay bumibiyahe sa ruta mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang Escolta sa Maynila at pabalik.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng biyahe ay para bigyang daan ang pagdiriwang ng “Araw ng Kagitingan” at paggunita sa “Eid’l Ftr” o Feast of Ramadan alinsunod sa Proclamation no. 514.
Agad naman ibabalik ang normal na opersyon ng ferry sa Huwebes, Abril 11.
Inanunsyo din ng MMDA,ang suspension ng pagpapatupad ng Number Coding Scheme sa Abril 9 at 10 dahil sa kaparehong kadahilanan.| ulat ni Rey Ferrer