Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na 2-araw na suspendido ang pagpapatupad ng Vehicular Volume Reduction Scheme o mas kilala bilang Number Coding Scheme.
Ayon sa MMDA, ito ay para bigyang daan ang dalawang magkakasunod na holiday partikular na ang Araw ng Kagitingan bukas, April 9, gayundin sa Miyerkules, April 10 para naman sa Eid’l Fitr ng mga kapatid na Muslim.
Una nang idineklara ng Malacañang na regular holiday ang April 9 habang nakadepende naman sa rekomendasyon ng National Council on Muslim Filipinos (NCMF) sa pagpapakita ng buwan ang Eid’l Fitr.
Paalala pa ng MMDA, umiiral sa mga panahong ito ang pagkukumpuning ginagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagsimula noong Biyernes na tatagal hanggang sa Miyerkules.
Kaya payo ng MMDa sa mga motorista, planuhing maigi ang kanilang mga biyahe upang hindi maabala sa daan. | ulat ni Jaymark Dagala