Muling ipinaalala ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa mga tauhan nito na dapat ibigay sa taumbayan ang angkop at nararapat na serbisyo.
Ito ang binigyang-diin ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil nang pangunahan nito ang lingguhang flag raising ceremony sa Kampo Crame ngayong araw.
Ito ang kauna-unahang flag raising ceremony na pinangunahan ni Marbil mula nang maupo siya bilang ika-30 pinuno ng Philippine National Police.
Kasama sa mga dumalo ang mga miyembro ng Command Group gayundin ang iba pang matataas na opisyal ng Pulisya.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Marbil na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, dapat lamang na ibalik ng Pulisya ang tamang serbisyo dahil pinapasuweldo sila ng taumbayan. | ulat ni Jaymark Dagala