Bagamat suspindido ang ‘No-Contact Apprehension Policy’ (NCAP), patuloy ang pagmo-monitor ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motoristang lumabag sa batas trapiko.
Ayon sa MMDA, ito ay upang madisiplina at mapanatili ang kaayusan sa mga kalsada sa Metro Manila.
Batay sa datos ng MMDA simula August 30, 2022 hanggang March 2024 pumalo na sa mahigit 500,000 ang mga lumabag sa batas-trapiko.
Mas lalo pang pinaigting ng MMDA ang kanilang on-the-ground o physical apprehension para masiguro ang kaayusan at paigtingin pa ang presensya ng mga traffic enforcer sa mga kalsada.
Paalala ng MMDA sa mga motorista sa ilalim ng Bagong Pilipinas, na sumunod sa batas trapiko at laging pairalin ang disiplina. | ulat ni Diane Lear