Nanawagan si Senate Committee on Labor chairman Sen. Jinggoy Estrada sa mga employer na magbigay konsiderasyon sa kanilang mga empleyado kaugnay ng kanilang mga working schedule ngayong napakainit ng panahon.
Ayon kay Estrada, bagamat pinagpapasalamat niya ang inilabas na kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) o ang DOLE advisory no. 17-2022 ay dapat pa ring isaaalang alang na maaaring maging banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa ang aobrang init ng panahon.
Sa ilalim ng polisiya ng DOLE, pinapayagan ang mga empleyado na gamitin ang kanilang mga accrued leave credota.
Gayunpaman, dapat rin aniyang ikonsidera ang mga manggagawa na wala nang leave balances.
Kaya naman umapela si Estrada sa mga employer na magpatupad pa ng panuntunan na higit sa inilabas na kautusan ng DOLE.
Binigyang diin ng Senate Committee on Labor na ang pagbibigay ng dagdag na mga insentibo o benepisyo sa mga humaharap sa init ng araw para patuloy na mapatakbo ang ekonomiya ng bansa ay patas lang at nagpapakita ng commitment sa kanilang kapakanan.| ulat ni Nimfa Asuncion