Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinabibilis na ng pamahalaan ang mga sistema nito, upang mas maagang maisakatuparan ang mga energy infrastructure project ng gobyerno.
Paliwanag ng Pangulo, marami kasi sa mga programa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), matagal na panahon nang naantala.
Ito ang dahilan kung bakit minamadali na aniya nila ang mga proyektong ito, upang makasabay sa tumataas na demand ng enerhiya at upang maisulong pa ang development sa bansa.
“Kaya nga ganito ‘yung ginagawa namin, minamadali talaga namin, trying to do it as quickly as possible because marami sa program ng NGCP natulog nang matagal. So, we’re doing everything that we can in the government side also para matapos na ‘yung proyektong iyon,” -Pangulong Marcos.
Sila aniya sa national government, gagawin ang kanilang bahagi, sa pamamagitan ng mas mabilis na paglalabas ng mga kinakailangang permit.
“So, we have to play our part also that, we, yun na nga ‘yung sinabi ko ‘yung mga permitting, ‘yung mga ECC (Environmental Compliance Certificate), ‘yung mga permits ng ERC (Energy Regulatory Commission) etc., pati ‘yung pricing, all of these things we try to do it much, much more quickly. Before it took, it’s been taking two to three years. It should take much less than that. So, we’re streamlining the system.” -Pangulong Marcos.
Pagbibigay diin ng Pangulo, layon ng pamahalaan, na mailinya ang mga transmission service nito, lalo na sa mga lugar na mayroong malaking power production at cooperatives.
Halimbawa, ayon sa Pangulo, ang Negros na mayroong malaking supply ng solar energy na maaaring magamit sa ibang lugar sa pamamagitan ng consolidated transmission system.
“So, ‘yun mailalabas na natin not only for, if you look at the map, ang linya, goes from Panay Island across Negros tapos submarine cable hanggang Cebu. So, ibig sabihin that the transmission for that whole area, that transmission line will service is now aligned together.” -Pangulong Marcos.
Ngayong araw (April 8), pinasinayaan ang Php67.9 billion na Cebu-Negros-Panay grid, na tutugon sa lumalaking energy demand sa lugar.
“It will address the surging energy demands in the area and propel the socio-economic advancement of Western and Central Visayas considering its about 16 million population. The two regions contributed P2.24 trillion to the economy in 2022.” -PCO.| ulat ni Racquel Bayan