Bumuo ng GeoRisk Philippines (GeoRiskPH) ang iba’t ibang kawani ng gobyerno, sa pangununa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology upang paghandaan ang mga posibleng sakunang kahaharapin ng bansa.
Sa naging panayam ng Radyo Pilipinas 3, ipinaliwanag ni DOST-PHIVOLCS Supervising Science Research Specialist Mabelline Cahulogan na layon ng GeoRiskPH na mas mapadali ang data collection, data sharing at analysis sa pamamagitan ng centralized database system.
Sa tulong nito, aniya, ay magkakaroon ng iisang hanay ng impormasyon at kagamitan hindi lamang ang mga scientists gayundin ang publiko upang mas mabilis na makabuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plans.
Sa kasalukuyan, ang mga platapormang mayroon ang programa ay GeoMapperPH, GeoAnalyticsPH, HazardHunterPH at PlanSmart. Para sa karagdagang detalye, maaaring bisitahin ang kanilang official website na https://georisk.gov.ph/. | ulat ni Jollie Mar Acuyong| RP3 Alert