Aabot sa P5.4 billion na pagkakautang sa buwis ang nadiskubre ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mga negosyante ng fake o illicit cigarettes sa Lalawigan ng Cavite.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sinalakay ng BIR ang tatlong bodega o pabrika sa Indang at Dasmariَñas dahil sa iligal na paggawa at pagbebenta ng sigarilyo.
Ito na aniya ang isa sa pinakamalaking pagsalakay na isinagawa ng BIR laban sa illicit cigarettes.
Babala pa ni Lumagui, na magpapatuloy ang kanilang kampanya at target sa mga malalaking negosyante ng ipinagbabawal na sigarilyo.
Payo pa nito sa mga negosyante, na mas maiging iparehistro sa BIR ang kanilang cigarette operations at bayaran ang tamang buwis ng produkto.
Sa ginawang pagsalakay, narekober ng BIR ang mga master case ng sigarilyo, makina, sako ng hilaw na tabako, at pekeng internal revenue stamps.
Pagtiyak pa ng BIR Chief, na masasampahan ng kasong kriminal at sibil ang mga responsable dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code. | ulat ni Rey Ferrer