Muling siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patas na paglilinis para kina Pastor Apollo Quiboloy at dating Cong. Arnie Teves na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa bansa.
Sa isang ambush interview sa Bacolod City, sinabi ng Pangulo na paiiralin rin ng pamahalaan ang pagmamalasakit kay Pastor Quiboloy na matagal na niyang kakilala.
“So, we will exercise all the compassion to Pastor Quiboloy, we’ve known for a very long time. Ang maipapangako na all the proceedings will be fair.” -Pangulong Marcos.
Ang nakapagtataka lamang aniya sa usaping ito, ay kung bakit si Quiboloy pa ang nagbibigay ng kondisyon sa gobyerno sa pagharap niya sa kanyang mga kaso.
Reaksyon ito ng Pangulo, kasunod ng hiling ng pastor na i-garantiya ng Pangulo na hindi makikialam ang Estados Unidos sa kaniyang legal battle, bago siya humarap sa kaniyang kaso sa bansa.
“I think it seems to be a little bit tail wagging ano, na siya ang magbibigay ng kundisyon sa gobyerno doon sa kaso niya, akusado siya, sa warrant of arrest.” -Pangulong Marcos.
Kaugnay naman sa involvement ng US kaso ng pastor, mangangailangan aniya ito ng mahabang panahon, kaya’t hindi pa aniya muna ito dapat iniisip ni Quiboloy.
“Now as to the involvement iof the United States, malayo pa ‘yan. That’s going to take years. So, I don’t think that something he needs to worry about quite frankly.” -Pangulong Marcos.
Samantala, kaugnay naman sa kaso ni Teves, sabi ni Pangulong Marcos, walang banta sa buhay nito kaya’t walang dahilan upang matakot itong umuwi sa Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan