Ipinahayag ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Senador Francis Tolentino na walang katotohanan ang sinabi ng China na sinisira ng Pilipinas ang sarili nating yamang-dagat sa West Philippine Sea.
ito ang sagot ng senador sa naging pahayag ng pahayagan ng communist party of China, na the global times, na naglagay umano ang Pilipinas ng mga payaw na nakakasira sa coral reefs at industriya ng pangingisda sa Recto Bank.
Binigyang diin ni Tolentino na ang China pa nga ang marami nang nasira sa bahurang sakop ng ating bansa at wala silang karapatan na magsabi na nakakasira tayo sa kalikasan.
Kaugnay nito, iginiit ng senador na dapat pang paigtingin ng ating bansa ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea gaya ng pagdadagdag ng barko ng BFAR at Philippine Coast Guard.
Sang-ayon rin ang mambabatas na nakikipagtulungan tayo sa ating mga kaalyadong bansa at dapat aniyang gawin nang regular ang pagsasagawa ng mga joint maritime cooperation. | ulat ni Nimfa Asuncion