Nagbigay ng tulong ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa Lungsod ng Sorsogon.
Sa isang turnover ceremony na pinanguhan ni PCSO General Manager Mel Robles kasama ang iba pang opisyal ng ahensya, ipinagkaloob ang tulong sa naturang lungsod na tinanggap ni Sorsogon City Mayor Maria Ester Hamor sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.
Ayon sa PCSO, ang tulong pinansyal ay nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon na gagamitin para pambili ng mga IT material at computer sa 15 mga paaralan sa elementarya at sekondarya sa Sorsogon.
Gayundin, para sa kanilang mga iba’t ibang programang pangkawanggawa.
Nagpasalamat naman ang Sorsogon City sa tulong na ipinagkaloob ng PCSO.
Tiniyak ng ahensya na patuloy na magkakaloob ng tulong sa mga nangangailangang komunidad sa buong bansa. | ulat ni Diane Lear