Ibinasura ng Batangas Provincial Prosecutor’s Office ang kasong isinampa ng isang kasambahay laban sa kaniyang mga amo sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Sa kopya ng resolusyon ng piskalya, pinawalang-sala ang mag-asawang Jerry at France Ruiz sa kasong paglabag sa ‘Anti-Trafficking in Person Act of 2003’.
Pero ang mga kasong Serious Illegal Detention at Serious Physical Injury ay isinampa ng piskalya sa korte laban sa mag-asawang Ruiz.
Habang ang mga kasong may kinalaman sa Serious Physical Injury laban sa mga kaanak ng mga Ruiz at Barangay Chairperson Jimmy Patal ay inendorso sa Occidental Mindoro Prosecutor’s Office dahil ito ang may hurisdiksyon sa nasabing kaso. | ulat ni Mike Rogas